^

PSN Palaro

Brownlee magiging abala sa Gilas Pilipinas

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Brownlee magiging abala sa Gilas Pilipinas
Kinaliwa ni Justin Brownlee ng Ginebra ang kanyang layup laban sa isang Bay Area defender sa Game 6.
un Mendoza

MANILA, Philippines — Inaasahang magiging abala agad si Justin Brownlee tampok ang mabibigat na responsibilidad matapos ma­ging opisyal na Filipino citizen at dagdag na naturalized player ng Gilas Pilipinas.

Hindi pa man din tapos ang kampanya para sa Ginebra sa ongoing na PBA Commissioner’s Cup, walang pahi-pahinga para kay Brownlee na namumurong ma­ging reinforcement ng Gilas sa dalawang sunod na torneo.

Kamakalawa ay pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Republic Act No. 11937 na naggagawad ng Filipino citizenship sa kanya sa pamamagitan ng naturalization – bagay na nagbigay daan sa kanyang role bilang pinakabagong Gilas player.

At masusubok agad ang kilatis ng resident Barangay Ginebra import para sa Gilas na iho-host ang Jordan at Lebanon sa ikaanim at huling window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero 24-27.

Gaganapin ito sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan bilang test event ng Samahang Basketbol ng Pilipinas para sa mismong World Cup hosting sa Agosto hanggang Setyembre.

Pagkatapos noon, si Brownlee din ang inaabangang maging pambato ng Gilas para sa mis­yong makaganti sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa Mayo bagama’t wala pang opis­yal na pool ang SBP.

Gigil ang Gilas na mabawi ang gintong medalya matapos yumukod sa Indonesia noong nakaraang taon para sa unang silver medal ng Pilipinas sa centerpiece basketball event simula 1989.

PHILIPPINE ARENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with