^

PSN Palaro

Hester, Amores pasikat sa panalo ng Valientes sa ABL

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wagi ang Zamboanga Valientes matapos ang 108-94 debut win kontra sa Louvre Surabaya sa ASEAN Basketball League (ABL) para sa 2023 Invitational tournament nito sa OCBC Arena sa Singapore.

Kumamada ng 35 points, 11 rebounds, 3 assists at 4 steals si dating Terrafirma import Antonio Hester upang banderahan ang comeback ng Valientes para sa kanilang unang panalo sa regional league.

Umiskor si Hester ng 16 points sa fourth quarter upang pangunahan ang 15-2 turnaround ng Zamboanga mula sa 83-87 deficit tungo sa 98-89 abante sa huling tatlong minuto ng laro.

Tumulong kay Hester si dating Jose Rizal U standout John Amores na kumolekta ng 16 points, 5 boards at 2 steals.

Matatandaang noong Nobyembre ay nagisa si Amores matapos manuntok ng player ng St. Benilde sa NCAA na nagresulta sa kanyang indefinite suspension sa collegiate league at expulsion sa JRU basketball team.

Nag-ambag din ng 21 markers si Fil-Am Jeremy Arthur at may 18 markers at 16 rebounds si import Ryan Smith.

Bago ang 83-87 deficit, naiwan pa sa hanggang 65-74 ang Valientes pagkatapos ng tatlong quarters bago magliyab sa 43 sa huling kanto sa kabila ng absence ni San Beda guard James Kwekuteye.  

vuukle comment

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with