^

PSN Palaro

36ers’ coach inihalintulad si Sotto kay Yao Ming

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
36ers’ coach inihalintulad si Sotto kay Yao Ming
In this file photo taken on October 13, 2010, Houston Rockets All-Star Yao Ming takes a penalty shot during their match against the New Jersey Nets in the NBA China Games 2010 basketball match at the Wukesong Arena in Beijing.
PETER PARKS / AFP

MANILA, Philippines — Para kay Adelaide 36ers’ coach CJ Bruton, si Kai Sotto ang itinuturing na Yao Ming ng Pilipinas.

Ayon kay Bruton, sumikat nang husto si Yao sa China kaya’t maihahalintulad niya si Sotto sa Chinese basketball great.

“Yao Ming is big in China. And Kai Sotto is the Philippines’ version of Yao Ming,” wika ni Bruton sa progra­mang Unrivalled: Inside NBL23.

Pangarap ni Sotto na maging kauna-unahang purong Pinoy na makapasok sa NBA.

Naisakatuparan ito ni Yao nang makuha siya sa NBA Draft noong 2002 kung saan itinanghal siyang top pick overall ng Houston Rockets.

Kaya naman tiwala siya na maaabot ni Sotto ang inaasam na NBA dream sa mga darating na panahon.

“Kai Sotto is a promising player when he puts it all together,” sabi ni Bruton sa Pinoy giant.

Sumabak si Sotto sa nakaraang 2022 NBA Draft ngu­nit hindi siya napili ng anumang NBA team.

“Not everyone gets drafted, but it’s not the end of the world. He talks the right way like most kids in this competition, but now you need to play the right way and do it for yourself,” ani Bruton.

Malaking tulong din ang karanasang nakukuha ni Sotto sa Adelaide na naglalaro sa Australian league.

Sa season na ito ay naglista si Sotto ng mga ave­rages na 6.1 points at 3.9 rebounds para sa 36ers.

“He’s still learning. Kai is going to keep evolving, keep developing, and he’s going to help us get to where we need to go,” wika ni Bruton.

KAI SOTTO

YAO MING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with