^

PSN Palaro

De Kam, Compuesto namayagpag sa BP Finals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

ILOCOS SUR, Philippines — Isang Filipino-Dutch swimmer at isang trackster na anak ng construction worker ang namayagpag sa 2022 Philippine Sports Commission-Batang Pinoy National Finals kahapon dito.

Nilangoy ng 15-anyos na si Julian Lowers De Kam ng Lucena City ang kanyang ikaapat na gintong medalya nang maghari sa boys’ 400-meter freestyle sa bilis na 04:26.03.

Nauna nang nanguna ang miyembro ng Swim League Philippines-Behrouz Elite Swimming Team (SLP-BEST) sa 50m at 200m freestyle at 100m butterfly.

Sa athletics, itinakbo ni Leonelyn Compuesto ang kanyang ikatlong ginto nang maglista ng 1:00.63 sa girls’ 400m run.

Idinagdag niya ito sa naunang panalo sa 200m at 4x100m relay.

“Ang pinakapangarap ko po ay maging member ng Philippine team,” sabi ng Grade 10 student ng Masbate Sports Academy at anak ng isang construction worker. “Ginagawa ko rin po ito para makatulong sa pamilya ko na gusto kong maiahon sa kahirapan.”

Maaari pa siyang manalo sa 100m at 4x400m relay ngayong araw.

Panalo rin ng gold sina Lorraine Batalla ng Calamba (girls’ 3,000m), Marc Angelo Cabiluna ng Misamis Oriental (boys’ triple jump), Ana Espenilla ng Masbate (girls’ javelin throw), Cejay Murillo ng Victorias City (boys’ 2000m steeplechase), Pi Durden Wangkay ng Biñan City (boys’ 400m) at Daniela Joy Peralta ng Pangasinan (boys’ 4x100m universal relay).

Sa cycling, ipinadyak ni Maritanya Krog ng Caloocan City ang kanyang ikatlong ginto nang mamuno sa girls’ road race sa bilis na 58:16.725.

Samantala, kumpiyansa ang Baguio City na makakamit ang kanilang ‘three-peat’ sa Batang Pinoy National Finals.

May 17 gold, 18 silver at 24 bronzes ang Baguio City kasunod ang Lapu-Lapu City (14-6-5), Quezon City (13-8-9), General Santos (11-8-6), Laguna (11-6-6) at Lucena (10-5-3).

FILIPINO-DUTCH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with