FINIS swim meet hahataw sa Capas
MANILA, Philippines — Magbabakbakan ang pinakamatitikas na swimmers sa bansa sa 2022 Finis Long Course National Championships na aariba sa Disyembre 17 hanggang 18 sa New Clark Aquatic Center sa Capas, Tarlac.
Maglalaban-laban ang mga medalists sa iba’t ibang age groups na nanalo sa Luzon, Visayas at Mindanao sa torneong inorganisa ng FINIS Philippines.
Ipinagmalaki ni FINIS Managing Director Vince Garcia ang magandang medalyang ipamamahagi sa naturang event.
Bukod pa rito ang tsansang maging brand ambassador at scholar ng FINIS Philippines.
“We come this far. We saw a lot of potential swimmers during the Luzon, Visayas and Mindanao leg, but this time we expect more as the battle goes down to the best of the best,” ani Garcia.
Hindi masisilayan si Jamesrey Ajido na nagmamay-ari ng apat na national junior records na naitala nito sa Luzon leg noong Disyembre 3.
Kasama si Ajido ng pambansang delegasyon sa 44th SEA Age Group Championship na idaraos sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Binasag ni Ajido ang national junior record sa 50-m fly (26.95), 100-m Fly (58.82), 50m back (29.60), at 100-m back (1:03.28).
“Their absence will give other a chance to excel. Siguradong mas magiging matindi ang labanan dahil yung maging kinatawan ka ng province mo sa isang National tournament ibang level ng karangalan yan para sa bata. FINIS has always is make sure na mabigyan natin ng tamang venue ang ating mga batang swimmers dahil yung grassroots development ay tunay na napaka-importante,” dagdag ni Garcia.
Dahil dito, nakasentro ang atensiyon kay BEST tanker Marcus DeKam na inaasahang hahakot ng ginto sa kanyang dibisyon.
Lalarga rin si Jarrett Dean Henthornem na isang special child swimmer na nakapilak sa 200m IM (4:52.98), 100m fly (1:16.43), 50m back (36.01), 100m breast (1:30.15), 50m free (28.88), 50m fly (30.97), 100m back (1:22.61) at 50m breast (39.02) sa Luzon Leg.
- Latest