Mojdeh pinarangalan ni Mayor Biazon

Ibinigay ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon (kaliwa) ang Plaque of Appreciation kay FINA World Junior Championship semifinalist at National Junior record-holder Jasmine ‘Water Beast’ Mojdeh (gitna) kasama ang kanyang inang si SLP chairwoman Joan Mojdeh (kanan).
Chris Co

MANILA, Philippines — Ginawaran ng pagki­lala si Brent International School standout Micaela Jas­mine Mojdeh sa inau­gu­ration ng Olympic-size indoor Muntinlupa Aquatics Center kahapon sa Brgy. Tu­nasan, Muntinlupa.

Pinangunahan ni Mun­tinlupa City Mayor Ruffy Bia­­zon ang simpleng se­­remonya kung saan bi­­nigyan si Mojdeh ng Plaque of Appreciation da­­hil sa tagumpay niya sa iba’t ibang mga internatio­nal tournaments.

“Open ang Aquatics Center para sa lahat ng mga swimming clubs na nagnanais magsanay dito but to this date ang SLP ang aming nakasundo rito at inihahanda na namin ang memorandum of agreement (MOA),” ani Biazon

Kasama ni Mojdeh si Swim League Philippines (SLP) chairman Joan Moj­deh sa programa.

Nakaabot si Mojdeh sa semifinals ng prestihiyo­song FINA World Junior Championship na ginanap sa Lima, Peru.

Si Mojdeh ang ikalawang Pinoy swimmer na na­kapasok sa semifinals ng nasabing world meet.

Humakot din si Mojdeh ng gintong medalya sa 10th Circle of Swimmers of Melun Val de Seine na ginanap sa Piscine de Melun swimming pool sa Melun, France noong Mayo.

Inaasahang hahakot pa ng mga gintong medalya si Mojdeh sa 2022 Southeast Asian (SEA) Age Group na idaraos naman sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Dis­yembre 17 hanggang 19.

Maliban kay Mojdeh ay kinilala rin ang kontribusyon ng UAAP record-holder at gold medalist na si Chloe Is­leta ng De La Salle Uni­ver­sity.

Si Isleta ang bukod ta­nging Pinoy swimmer na nakasikwat ng gintong me­dalya noong 2021 Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Show comments