MANILA, Philippines — Hahataw ang Philippine Blu Boys sa prestihiyosong World Cup matapos ang second-place finish sa katatapos lang na 11th Men’s Softball Asian Cup sa Kochi, Japan.
Bagama’t nakalasap ng 2-9 kabiguan sa mga Japanese sa finals ay nakatiyak na ang Blu Boys ng tiket para makapaglaro sa World Cup na nakatakda sa Nobyembre sa Auckland, New Zealand.
Nakamit ito ng koponan ni coach Apol Rosales nang talunin ang India, 8-1, sa super round ng Asian Cup.
“We need more exposure and in preparation for the World Cup where the level competition is going to be high,” sabi ni Rosales sa asiasoftball.com.
Nauna nang yumukod ang Blu Boys sa Japan, 0-7, at sa 2019 Southeast Asian Games gold medalist na Singapore, 5-6.
“We have a young but talented squad and I am aiming for a top six finish in the World Cup from 12 teams,” dagdag ni Rosales.
Ngunit bumangon sila para hablutin ang World Cup spot.
Ang Blu Boys ang ikalawang Philippine team na nakapasok sa world championship matapos ang national women’s football squad o ang ‘Filipinas’.
Nakatakda ang 2023 FIFA Women’s World Cup sa Hulyo 10-20 na pamamahalaan ng New Zealand at Australia.