Gilas youth hulog sa 6th place sa FIBA Asia U18 tourney

MANILA, Philippines — Laglag sa sixth place ang Gilas Pilipinas Youth matapos yumukod sa Iran, 72-89, sa classification round ng 2022 FIBA Under-18 Asian Championship kahapon sa Azadi Basketball Hall sa Tehran.

Hindi na nakabangon ang mga Pinoy dribblers nang maiwanan sa halftime, 30-43, at lalo pang nabaon sa 27-point deficit, 39-66, sa dulo ng third quarter.

Binanderahan ni Fil-Aussie Mason Amos ang Gilas youth team sa kanyang 22 points tampok ang anim na three-point shots, habang nagtala si EJ Abadam ng 18 markers, 5 rebounds at 3 assists.

Nagdagdag si Kyle Gamber ng 9 points para sa tropa ni coach Josh Reyes.

Nauna nang winalis ng Gilas U18 squad ang tatlong laro sa Group C bago minalas sa Lebanon sa quarterfinals na naghulog sa kanila sa qualification phase. 

Samantala sa battle for 7th, tinambakan ng Chinese Taipei ang Qatar, 93-71 habang naglalaban pa as of press time ang Japan at South Korea para sa kampeonato pati ang China at Lebanon para sa bronze medal.

Show comments