Counted!
Beating the red light si Jason Castro.
Hindi sa kalye kundi sa kanyang incredible buzzer-beater sa Game 1 ng PBA Philippine Cup best-of-seven finals nung Linggo.
Tinalo ng TNT ang SMB, 86-84.
Mahabang diskusyon among game officials kung dapat counted ang tira ni Castro with 1.6 seconds left.
Sa slo-mo replays at different angles, nakita nila na wala na sa mga daliri ni Castro ang bola nung umilaw ng pula ang paligid ng backboard.
Sabi ng PBA, sa ganyang sitwasyon, mas sinusunod nila ang ilaw kesa sa buzzer or sa numero sa shot clock.
Kaya yun ang naging hatol – counted.
Natural, maraming umalma. Imposible raw na sa 1.6 seconds left ay tinanggap ni Castro ang inbounds at nag-dribble ng dalawang beses bago ang jumpshot.
Kulang na lang, tumawag sila sa NBI or FBI or CSI para imbestigahan ang scene of the crime.
Ayon sa experts, nasa ere na ang bola sa 1.5602 mark. Period.
Babawi na lang sa Game 2 mamaya ang SMB.
Pinatira n’yo si Castro eh.
- Latest