^

PSN Palaro

Suarez dedepensahan ang WBA belt

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipagtatanggol ni World Boxing Association (WBA) Asia super featherweight champion Charly Suarez ang korona nito laban sa kababayang si Mark John Yap ngayong araw sa Elorde Sports Complex (ESC) sa Parañaque City.

Target ni Suarez na maitala ang impresibong panalo upang magandang magbukas ang pintuan para sa kanyang susunod na laban.

Hangad ni Suarez na makasabak sa isang international event sa taong ito.

Plano ni Australian Ro­bert Hill — ang promoter ni Suarez — na magkaroon ang Pinoy pug ng international event sa Vietnam bago matapos ang taon.

Ngunit bago ang lahat ng ito, kailangan muna sumentro ang atensiyon ni Suarez sa kanyang laban kay Yap.

Hawak ni Suarez ang matikas na 11-0 rekord tampok ang pitong knockouts.

“This is a very important fight because I need to keep on winning to improve my world rankings and also keep my unbeaten record intact,” ani Suarez.

Pasok sa timbang si S­uarez na may 129.2 pounds — ang parehong timbang na naitala ni Yap sa official weigh-in kahapon.

Malalim na ang karanasan ni Yap na may 30-16 baraha kasama ang 15 knockouts.

Subalit lumasap ito ng tatlong sunod na kabiguan sa kanyang mga huling laban dahilan para mas maging uhaw ito sa panalo.

“I know he is eager to take my belt and is also loo­king at campaigning abroad once more should he beat me. With God’s grace I will make sure victory will be mine Sunday night,” dagdag ni Suarez.

ESC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with