Filipinas U18 sibak sa AFF tourney

MANILA, Philippines — Maagang nasibak ang Philippine national wo­men’s juniors football team sa tinapos na 0-3 record sa AFF U18 Women’s Championship sa Jakabaring Athletic Field sa Palembang Indonesia.

Yumukod ang Filipinas U18 squad sa Malaysia at sa mga Group B leaders na Australia at Myanmar na parehong umabante sa finals ng torneo.

Kasama sa koponan sina Isabella Flanigan at Chantelle Maniti na mi­yembro ng Filipinas team na nagreyna sa katatapos na AFF Women’s Cham­pionship sa Rizal Memorial Stadium.

Kaagad nabigo ang Filipinas U18 sa Australia, 0-4, kasunod ang 1-3 pag­yukod sa Myanmar at ang 1-2 pagkatalo sa Malaysia.

Show comments