Filipinas U18 sibak sa AFF tourney
MANILA, Philippines — Maagang nasibak ang Philippine national women’s juniors football team sa tinapos na 0-3 record sa AFF U18 Women’s Championship sa Jakabaring Athletic Field sa Palembang Indonesia.
Yumukod ang Filipinas U18 squad sa Malaysia at sa mga Group B leaders na Australia at Myanmar na parehong umabante sa finals ng torneo.
Kasama sa koponan sina Isabella Flanigan at Chantelle Maniti na miyembro ng Filipinas team na nagreyna sa katatapos na AFF Women’s Championship sa Rizal Memorial Stadium.
Kaagad nabigo ang Filipinas U18 sa Australia, 0-4, kasunod ang 1-3 pagyukod sa Myanmar at ang 1-2 pagkatalo sa Malaysia.
- Latest