^

PSN Palaro

Tsukii sumikwat ng gold sa World Games

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Tsukii sumikwat ng gold sa World Games
Junna Tsukii.
PSN / File

MANILA, Philippines — Sinapawan ni Fil-Japanese Junna Tsukii si Yorgelis Salazar ng Venezuela, 2-0, sa women’s kumite -50 kilograms finals para sa unang gold medal ng Pilipinas sa 2022 World Games sa Birmingham, Alabama.

Umabante ang 30-an­yos na national karateka sa finals nang sumipa ng 4-3 panalo kay Miho Miyahara ng Japan sa semifinals.

Walang umasang ma­ka­kapasok sa finals si Tsukii matapos magtala ng 1-2 win-loss record sa group stage kasama ang 1-8 kabiguan kay Salazar.

Si Tsukii ang ikalawang Pinoy athlete na nanalo ng ginto sa World Games matapos si billiards champion Carlo Biado na naghari sa 9-ball men’s singles noong 2017 edition sa Wroclaw, Poland.

vuukle comment

JUNNA TSUKII

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with