^

PSN Palaro

Mark ‘Magnifico’ Magsayo, bagong mukha ng ‘Laban Lang’ campaign

Audrie Julienne Bernas - Pilipino Star Ngayon
Mark ‘Magnifico’ Magsayo, bagong mukha ng ‘Laban Lang’ campaign
Napasakamay ni Mark “Magnifico” Magsayo ang kanyang unang world title fight sa edad na 26 laban kay Gary Russel Jr. para sa Featherweight WBC title.
Photo Release

MANILA, Philippines — Matapos masungkit ang WBC featherweight belt noong nakaraang Enero, tuluyan nang namayagpag ang pangalang Mark “Magnifico” Magsayo hindi lamang sa mundo ng boxing kundi sa buong sports community.

At ngayon, mas lalo pang makikilala ang husay at lakas ng isang Pilipinong mandirigma lalo pa at isa na siya sa mga kumakatawan sa “Laban Lang” campaign ng Alaxan. Kasama ni Magsayo bilang brand ambassador si Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz.

“Nagpapasalamat ako sa tiwala na ibinigay ng Alaxan FR sa akin, sa aking kakayahan. Isa po itong malaking karangalan para sa akin,” bulalas ng 26 anyos na boksingero.

Dagdag pa niya, “Ang ‘laban lang’ para sa akin ay isang paalala na hindi dapat sumuko sa mga pahirap at pagsubok para maabot ang pangarap at magtagumpay. Bilang boksingero, sobrang dami kong pinagdaanan kaya nagsumikap ako at nagdasal hanggang maging world champion ako.”

Laban para sa pangarap

Lumaki si Magsayo sa Tagbilaran City. Panadero ang kanyang ama habang tindera naman ng tinapay ang kanyang ina. Sa edad na walong taon, tumutulong na si Magsayo sa paghahanapbuhay para sa pamilya sa pamamagitan ng pagtitinda ng ice cream sa kalsada.

Kuwento ni Magsayo, nangarap ito na maging pulis bago nadiskubre ang boxing. Noong umpisa ay tutol ang mga magulang niya sa gusto niyang pasukin dala ng takot na baka may mangyaring masama sa kanya.

Ngunit ‘di kalaunan ay sinoportahan din si Magsayo ng kanyang pamilya lalo pa at nagsunod-sunod ang pagkapanalo nito sa bawat laban.

“Marami akong nasubukan na sports kaso hindi ako nag-succeed kaya lumipat ako sa boxing. Nung nalaman ko na may talent ako sa boxing, doon na ako nag-focus. Na-inspire pa ako lalo dahil napapanood ko noon si Senator Manny na idol ko talaga.”

Bitbit ang record na 24 wins at 16 knockouts, ang wala pang talo na si Mark Magsayo ay lalaban sa Mexican challenger na si Julio Vargas sa Hulyo 9.
Photo Release

Magmula noon, itinuon ni Magsayo ang sarili sa unti-unting pag-abot ng kanyang mga pangarap. Lumaban siya sa amateur league sa loob ng siyam na taon bago siya nagdesisyon na umakyat sa professional league. Ang record ni Magsayo ay kahanga-hangang 24 wins, 16 knockouts, 0 losses at 0 draws.

Kasalukuyang nasa Amerika si Magsayo upang mag-training sa Wild Card Boxing Club sa ilalim ni Freddie Roach. Nakatakda na kasi ang laban nito sa Mexican boxer na si Rey Vargas sa darating na July 9. Ang nasabing laban ay upang idepensa ni Magsayo ang kanyang kasalukuyang WBC title.

Tuloy ang laban

Sa kabila ng tinatamasang tagumpay ngayon sa karera ni Magsayo kung saan nananatili siyang undefeated, hindi nito nakakalimutan ang mga pagkakataon na napabagsak din siya ng kanyang kalaban. Na-knockdown siya ng American boxer na si Chris Avalos noong 2016 at ni Julio Ceja noong 2021.

“Inisip ko ‘yung pamilya ko kasi sobrang hirap namin. Kaya kahit ma-knockdown ako sa laban, tatayo ako. Hangga’t nakikita ko ang kalaban, tatayo ako. Gusto ko rin maalala ng mga tao na mayroong isang Mark “Magnifico” Magsayo na nagbigay ng karangalan sa Pilipinas kaya lalaban ako,” aniya.

Muntik na ring matapos ng maaga ang career ni Magsayo nang magkaroon siya ng problema sa kanyang dating manager/promoter. Halos dalawang taon din siyang hindi nakatungtong ng boxing. “Na-depress ako pero sinabihan ako ng misis ko ‘laban lang, matutupad mo din ang pangarap mo.’ Mas nagsikap ako, nagpursige sa training at nagdasal,” pag-alala niya.

Samantala, sa bawat laban ni Magsayo, katuwang niya rin ang Alaxan na tumutulong sa pagtanggal ng sakit ng katawan in as fast as 15 minutes at direstong umaaksyon sa pamamaga na sanhi ng sakit nito.

“Tiwala talaga ako sa Alaxan dahil noon pa man, basta sakit ng katawan, ‘yan lang ang iniinom ko.”

Pagtatapos ni Magsayo, “Nagpapasalamat din ako na naniniwala ang Alaxan sa akin, hindi lamang dahil sa ito ang una kong grand endorsement kung hindi pati na rin sa kanilang physical and emotional support. Tinutulungan ako ng brand para maka-recover sa body at muscle pain, lalo na kapag may pamamaga habang nasa matinding training. At higit sa lahat, sila ang talagang naniwala sa akin bilang boksingero at mandirigma sa buhay sa simula pa lang. Sabi nga ng Alaxan: “Aaray, pero ‘di bibigay! Laban lang!”

 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Alaxan, i-click lamang ang: https://www.unilab.com.ph/alaxan/winning-over-bodypain/articles/diretsong-aksyon-sa-pamamaga-na-dahilan-ng-sakit-ngkatawan

ALAXAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with