Ancajas-Martinez rematch itatakda sa Hulyo o Agosto

Fernando Martinez (L) lands a body shot on IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas during a title fight at The Chelsea at The Cosmopolitan of Las Vegas on February 26, 2022 in Las Vegas, Nevada. Martinez took the title by unanimous decision.
Steve Marcus / Getty Images North America / Getty Images via AFP

MANILA, Philippines — Ikinakasa na ang rematch sa pagitan nina Jer­win An­cajas at reigning International Boxing Federation (IBF) super flyweight champion Fernando Martinez.

Ayon kay Joven Jimenez, ang trainer at ma­nager ni Ancajas, gagamitin ng Pinoy fighter ang rematch clause na nakasaad sa kon­trata.

“Final na gagamitin iyong rematch clause na nasa kontrata,” wika ni Ji­me­­nez sa re­match na target ika­sa sa Hulyo o Agosto ng ta­ong ito.

Puntirya nina Ancajas at Jimenez na tumulak pa-Amerika dalawang linggo ba­go ang laban.

“Mas ma­­gandang mas ma­ging handa this time da­hil gusto ta­laga ni Jerwin na mabawi iyong korona,” ani Jimenez kay Ancajas.

Orihinal sanang plano ng Team Ancajas na umakyat na sa mas mataas na tim­­bang sa pagtatapos ng Ancajas-Martinez match.

Subalit naudlot ito nang malasap ni Ancajas ang una­­nimous decision loss mu­la kay Martinez sa ka­ni­lang bak­­bakan noong Peb­rero.

Show comments