Oranza hawak na ang trangko ng Ronda

Overall champion Ronald Oranza celebrates at the finish line of Ronda Pilipinas 2018 at Filinvest, Alabang.
Ernie Peñaredondo

TAGAYTAY CITY, Philippines — Lumabas ang husay ni Navy Standard Insurance rider Ronald Oranza sa mga akyatin nang angkinin ang 157.4km Stage 6 at hawakan ang overall leader sa 11th LBC Ronda Pilipinas kahapon.

Ibinuhos ng 2019 Ronda champion na si Oranza ang kanyang lakas upang baybayin ang mahirap na akyatin bandang Talisay-Tagaytay para iwanan ang mga nakasabay at mag-isa nitong tinawid ang meta sa nirehistrong oras na 3:40:45.

May kabuuang 18:46:04 oras ang naitala ng 29-an­yos na si Oranza matapos ang anim na stages, sapat para masikwat ang individual general classification at hubaran ng Red Jersey si Jonel Carcueva ng Go for Gold.

“Masayang masaya ako, nakuha natin ang overall, hindi ko inaasahan,” masayang sabi ni Oranza na tubong Villasis, Pangasinan.

Pagkatawid ng finish line ay kinailangan na alalayan si Oranza papunta sa puwesto ng Navy Standard Insurance team, dahil pinulikat ito at medyo namimilipit sa sakit.

Lumagpak naman sa No. 3 sa general classification si Carcueva habang nasa No. 2 si two-time Ronda champion Jan Paul Morales .

Nakapuwesto naman sa fourth at fifth sina Mervin Corpuz ng Excellent Noodles at Under-23 Jeremy Li­zardo ng Navy ayon sa pagkakasunod.

Pangalawang tumawid sa meta si El Joshua Carino ng Navy Standard Insurance habang tumersero si Morales.

Show comments