Clarkson mainit sa panalo ng Jazz

Jordan Clarkson
TIM NWACHUKWU / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / GETTY IMAGES VIA AFP

SALT LAKE CITY - Nagpasabog si Fil-American guard Jordan Clarkson ng career-high 45 points para tulungan ang Utah Jazz sa 134-125 pagligwak sa Sacramento Kings.

Kumonekta si Clarkson ng pitong triples at may perpektong 8-of-8 shoo­ting sa free throw line para sa Jazz (42-25) na nanatili sa No. 4 spot sa Western Conference.

Nag-ambag si Bojan Bogdanovic ng 26 points kasunod ang 25 markers ni Donovan Mitchell para sa Utah na kinuha ang 111-95 bentahe sa fourth quarter bago makalapit ang Sacramento sa 106-111.

Sa San Francisco, nag­latag si Klay Thompson ng season-best 38 points para akayin ang Golden State Warriors (46-22) sa 122-109 pagdakma sa nagdedepensang Milwaukee Bucks (42-26).

Ang kabiguan ang pumutol sa six-game winning streak ng Bucks (42-26) na second placer sa Eastern Confe­rence.

Sa Miami, umiskor si Jaylen Nowell ng 16 points at may tig-15 markers sina Karl-Anthony Towns at Anthony Edwards sa 113-104 panalo ng Minnesota Timberwolves (39-30) sa East-leading Heat (45-24).

Sa Chicago, naglista si DeMar DeRozan ng 25 points sa 101-91 pagsuwag ng Bulls (41-26) sa Cleveland Cavaliers (38-29).

Sa iba pang laro, dinomina ng Toronto Raptors ang Denver Nuggets, 127-115; panalo ang Indiana Pacers sa San Antonio Spurs, 119-108; at wagi ang Portland Trail Blazers sa Washington Wizards, 127-118.

Show comments