Miller bokya sa Beijing Olympics

MANILA, Philippines — Tuluyan nang namaalam sa kontensiyon si Asa Miller sa 2022 Winter Olympic Games matapos masibak sa men’s alpine skiing slalom event kahapon sa Yanqing, China.

Muling nagrehistro si Miller ng DNF (did not fi­nish) nang mabigo itong matapos ang kanyang run sa The Ice River.

Kasama si Miller sa 34 athletes na nagtala ng DNF.

“I have a fault also,” ani Miller na malungkot na bumalik sa Athlete’s Village kasama si American coach Will Gregorak.

Nanguna sa naturang event si Austrian Johannes Strolz habang pumangalawa at pumangatlo naman sina Norway bets Henrik Kristoffersen at Sebastian Foss-Solevaag.

Nagawa pang maka­pag-perform ni Miller sa loob ng 36 segundo bago sumablay sa mga sumunod na sandali.

Mas matagal ang na­ging performance ni Miller sa slalom kumpara sa kanyang unang event na giant slalom noong Lunes kung saan nagtala lamang ito ng 15.90 segundo.

Nasa ika-72 puwesto si Miller noong 2018 edis­yon ng Winter Olympics sa Pyeongchang, South Korea.

Show comments