Kalei Mau lalaro sa US dala ang Pinas
MANILA, Philippines — Matapos tulungan ang F2 Logistics na makuha ang kauna-unahang korona sa Champions League, sesentro na ang atensiyon ni Filipino-American Kalei Mau sa professional league na lalahukan nito sa Amerika.
Kinumpirma ng 6-foot-2 outside hitter na maglalaro ito sa Athletes Unilimited-- ang kauna-unahang professional volleyball league sa US.
Magsisimula ito sa Marso ngunit inaasahang babalik na agad sa Amerika si Mau upang makapagsanay para paghandaan ang torneo.
Masaya si Mau dahil ito ang ikalawang pagkakataon na maglalaro ito sa isang international league bitbit ang bandila ng Pilipinas.
Sapul nang maging bahagi ito ng volleyball federation ng Pilipinas, nakapaglaro na ito sa isang commercial league sa Puerto Rico.
“I will definitely represent the Philippines when I play there because now I am a Philippine federation volleyball player. Lots of pride and a whole country and my island behind me so I’m really excited to do that,” ani Mau.
Nilinaw ni Mau na mananatili pa rin ito sa F2 Logistics.
Sa oras na matapos ang Athletes Unlimited, agad itong babalik sa Pilipinas para makasama ang Cargo Mo-vers sa training camp nito. “I’m still gonna be with F2 as soon as I’m done with the US pro league which should be done late April, I’ll return back to the Philippines and start training with F2 as soon as we start having training,” ani Mau.
Target ng Premier Volleyball League (PVL) na masimulan ang second conference sa Pebrero o sa Marso kung saan plano itong isagawa na mayroong live audience.
- Latest