MANILA, Philippines — Minalas sina World No. 2 Junna Tsukii at 2019 Southeast Asian Games gold medalist Jamie Lim na makasikwat ng medalya sa 2021 World Karate Championships sa Hamdan Sports Complex sa Dubai.
Kaagad napatalsik si Tsukii sa second round matapos matalo kay Bakhriniso Babaeva ng Uzbekistan, 2-3, sa womens’ -50kg kumite.
Nakaiskor ang Fil-Japanese karateka ng majority decision win kay Sara Radicevska ng Northern Macedonia sa first round bago yumuko kay Babaeva.
Nasibak naman si Lim sa repechage laban kay Lynn Snel ng the Netherlands sa women’s-61kg kumite sa kanyang world championship debut.
Nagtabla sa 1-1 draw ang bakbakan subalit ibinigay sa Dutch karateka ang panalo dahil siya ang unang nakaiskor sa Pinay pride.