Fonacier, Cardona bubuhayin ang Ateneo-La Salle rivalry sa PBA 3x3

Mac Cardona.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Bubuhayin nina Larry Fonacier at Mac Mac Cardona ang Ateneo-La Salle rivalry sa PBA 3x3 tournament na lalarga sa Nobyembre 20 hanggang 21 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Magiging bahagi si Fonacier ng Cavitex kasama sina Dave Murrell, AC Soberano at Kyles Lao.

Kasama naman ni Cardona sa Zamboanga squad sina JR Cawaling, Kyle Neypes at Gino Jumao-as.

Magkaibang grupo ang Cavitex at Zamboanga.

Nasa Group C ang Cavitex at Group A naman ang Zamboanga.

Kaya naman inaasahang matutupad ang salpukan nina Fonacier at Cardona sa knockout playoffs ng liga.

“It’s always good to play against former opponents, especially opponents who bring out the best in me,” ani Fonacier.

Matatandaang nagtuos na sina Fonacier at Cardona noong college days sa UAAP men’s basketball wars.

May 1-1 rekord ang dalawa sa UAAP finals.

Naging matagumpay si Cardona nang dalhin nito ang La Salle sa kampeonato noong 2001.

Subalit nakaresbak si Fonacier matapos tulungan ang Ateneo na makuha ang korona noong 2002.

Beterano na sina Fonacier at Cardona kaya’t magsisilbi silang kuya sa mga bagitong teammates nila.

Show comments