^

PSN Palaro

Gaballo sabik na vs Donaire

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gaballo sabik na vs Donaire
Reymart Gaballo.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Excited si WBC Interim bantamweight titlist Reymart Gaballo sa kanyang laban kontra sa iniidolo nitong si WBC bantamweight title holder Nonito Donaire na nakatakda sa December 11 (Dec. 12 sa Manila) at alam na niya kung ano ang dapat iwasan.

“Excited po talaga ako sa paparating na laban namin kasi isa po sa iniidolo ko po sa boxing nung maliit pa po ako [si Nonito],”ani Gaballo na panauhin ni dating PBA Commissioner Noli Eala sa kanyang radio program na Power & Play.

Ngunit alam ng 25 gulang na si Gaballo na hindi basta-basta ang kanyang haharaping laban.

“Magaling, magaling po talaga [si Nonito]. At saka, ‘yung power andyan,” aniya. “Kaya sa laban po, mag-iingat po talaga ako sa mga set up. Gagawin ko talaga para [maging] maganda [ang laban).”

Pinag-aralan ng kampo ni Gaballo ang mga dating laban ni Donaire. “Sa mga tinitignan ko po na mga laban [niya] dati pa, ‘yung maka-pagset up po siya ng kanyang left hook. ‘Yun po talaga ‘y’ung mas iingatan ko,” ani Gaballo.

Si Gaballo  ay may 24-0  win-loss record kasama ang 20 knockouts laban kay Donaire na may 41-6 karta, 27 KOs. 

vuukle comment

GABALLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with