Spurs binuhat ni Murray sa panalo
MILWAUKEE — Umiskor si Dejounte Murray ng 23 points para igiya ang San Antonio Spurs sa 102-93 pagsapaw sa nagdedepensang Bucks at tapusin ang kanilang four-game losing skid.
Nag-ambag si Derrick White ng 17 points at may 16 markers si Bryn Forbes para sa San Antonio (2-4).
Binanderahan ni Giannis Antetokounmpo ang Milwaukee (3-3) sa kanyang 28 points at 13 rebounds habang may 19 markers si Khris Middleton.
Ang triple ni Keldon Johnson ang nagbigay sa Spurs ng 92-85 abante sa 2:22 minuto ng fourth quarter at bumida naman ni Murray para iwanan ang Bucks sa 97-87 sa huling 1:12 minuto nito.
Sa Memphis, humataw si Jimmy Butler ng 27 points kasunod ang 22 markers ni Tyler Herro sa 129-103 pagdomina ng Miami Heat (5-1) sa Grizzlies (3-3).
Sa Chicago, nagtala si DeMar DeRozan ng season-high 32 points at may 26 markers si Zach LaVine para pamunuan ang Bulls (5-10) sa 107-99 paggupo sa Utah Jazz (4-1).
Tumipa si Donovan Mitchell ng 30 points sa panig ng Jazz at kumolekta si Rudy Gobert ng 17 points at 19 rebounds.
Sa San Francisco, naglista si Stephen Curry ng 20 points at humakot si Draymond Green ng 14 points, 11 rebounds at 8 assists sa 103-82 pagbugbog ng Golden State Warriors (5-1) sa Oklahoma City Thunder (1-5).
Sa iba pang laro, tinakasan ng Washington Wizards ang Boston Celtics sa overtime, 115-112; wagi ang Detroit Pistons sa Orlando Magic, 1101-03; tinalo ng New York Knicks ang New Orleans Pelicans, 123-117; pinadapa ng Toronto Raptors ang Indiana Pacers, 97-94; giniba ng Philadelphia 76ers ang Atlanta Hawks, 122-94 at umeskapo ang Denver Nuggets sa Minnesota Timberwolves, 93-91.
- Latest