Ang bawat nakamit na kampeonato ng isang PBA team ay may kanya-kanyang kuwento.
Napasakamay ni TNT Tropang Giga head coach Chot Reyes ang pang-siyam niyang titulo matapos mawala sa liga ng siyam na taon habang espesyal para kay Jayson Castro ang panalo niya sa venue ng kanyang alma mater at si Fil-Am Mikey Williams ang kauna-unahang rookie na hinirang na Finals MVP.
Tinapos ng Tropang Giga sa 4-1 ang kanilang best-of-seven championship series ng Magnolia Hotshots para angkinin ang korona ng 2021 PBA Philippine Cup noong Biyernes sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.
“As much as we want to savor this we are looking forward on to the next and hope we can compete well again,” ani ng 58-anyos na si Reyes na nagbalik sa PBA ngayong taon matapos mawala ng siyam na taon.
Nakamit ng PLDT franchise ang huli nilang titulo noong 2015 Commissioner’s Cup sa ilalim ni mentor Jong Uichico.
“Last championship ko wala pa akong anak. Ngayon tatlo na ang anak ko,” sabi ng 35-anyos na si Castro.
Sa DHVSU naglaro si Castro bilang varsity player sa high school bago nagtungo sa Maynila para isuot ang uniporme ng Philippine Christian University Dolphins na iginiya sa NCAA crown noong 2004.
Nagposte naman ang 30-anyos na si Williams ng mga averages na 27.6 points, 5.2 rebounds at 4.8 assists sa title series para kilalaning PBA Finals MVP.
MANILA, Philippines — Si Fil-Am guard Brandon Cablay ang huling rookie na hinirang na Finals MVP nang maghari ang Alaska noong 2003 PBA Invitational Championship.
“They (Tropang Giga) definitely made my job a lot easier. They just gave me the confidence and continue to push me,” ani Williams. “But I have to thank everybody behind me, the 15 (players) and the coaches.”
Bukod kina Castro at Williams ay pinapurihan din ni Reyes sina Troy Rosario, naglaro sa Games Four at Five kahit nabalian ng hinliliit nang pabagsakin ni Jackson Corpuz sa Game Three, RR Pogoy, Poy Erram, Kelly Williams, Ryan Reyes, Kib Montalbo at Glenn Khobuntin.
“They put in all the effort. They stayed together through adversity. It’s been a long journey and I’m proud of these guys,” ani Reyes.