Biado, Pagulayan pasok sa 4th round

MANILA, Philippines — Kumakampay pa ang bandila ng Pilipinas matapos umabante sa fourth round sina Carlo Biado at Alex Pagulayan sa Predator World 10-Ball Championship na ginaganap sa Rio All-Suite Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Dalawang sunod na panalo ang itinarak ni Biado laban kina Jeffrey De Luna sa second round (8-2) at Mario He sa third round (8-4) para umusad sa susunod na yugto.

Nagrehistro naman si Pagulayan ng magkatulad na 8-6 desisyon laban kina Abdulla Aishammari sa second round at Thorsten Hohmann sa third round upang samahan si Biado sa fourth round.

Sunod na makakasagupa ni Biado si Oscar Dominguez at titipanin naman ni Pagulayan si Omar Alshaheen sa torneong may nakalaang $50,000 premyo.

Pumapalag din si Johann Chua na nagtala ng sunud-sunod na panalo sa losers’ bracket para manati­ling buhay ang pag-asa nito.

Sa losers’ bracket, isa isang pinatalsik ni Chua sina Jonas Souto Comino (8-4), Denis Grabe (8-6) at Mieszko Frtunski (8-5).

Makakalaban ni Chua ang mananalo kina Eklent Kaci at Maximillian Lechner.

Kailangan ni Chua na maipanalo ang kanyang mga susunod na laban para makapasok sa semifinals ng losers’ bracket.

Show comments