^

PSN Palaro

Pacquiao vs Ugas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao vs Ugas
Pacquiao
STAR/ File

Bakbakan na! 

MANILA, Philippines — Magkakaalaman na ngayong araw kung sino ang totoong WBA champion sa paglarga ng bakbakan nina eight-division world champion Manny Pacquiao at Cuban fighter Yordenis Ugas ngayong araw sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

Kasado na ang lahat matapos pumasok sa timbang sina Pacquiao at Ugas.

Nagtala si Pacquiao ng 146 pounds habang tumimbang si Ugas ng 147 pounds.

Bukod tanging excitement at masa­yang aura ang nasa mukha ni Pacquiao sa buong pa­nahon ng weigh in sa MGM Grand Garden Arena.

Bakas sa mukha nito ang kasabikan na muling tumuntong sa ring para ilatag ang kanyang tikas sa harap ng buong mundo matapos ang dalawang taong pagkakatengga dahil sa pandemya.

Sa pagkakatapos ng weigh in, sumailalim sa matinding kainan si Pacquiao.

Inihain ang beef bulalo, ginisang ampalaya at pork bagnet na nilantakan nito kasama ang ilang miyembro ng Team Pacquiao.

Magiliw na nagpaunlak si Pacquiao sa ilang sig­ning sessions at photo ops para sa mga fans matapos kumain.

Matapos ang pukpukang ensayo, handa na si Pacquiao sa laban.

“I’m ready! I am not ta­king this fight lightly. I don’t want to be over confident for this fight. But I want to make sure that tomorrow night we’re going to get the victory and God willing, the fans will be happy,” ani Pacquiao.

Sa kabilang banda, business as usual ang itsura ng mukha ni Ugas.

Seryoso ang itsura nito sa buong panahon ng prog­rama na tila nagpapakitang hindi ito nasisindak sa isang legendary boxer na tulad ni Pacquiao.

“I will be in a ring with a legend like Manny Pacquiao. I have a lot of respect for him so I’m very excited but all respect is finished once we get in the ring tomorrow,” ani Ugas.

Desidido si Ugas na patunayan na siya ang karapat-dapat sa WBA belt at handa itong ibuhos ang lahat para gulantangin ang buong mundo.

“I am definitely very excited and very emotional of this opportunity. I have the belt. Whoever wins tomorrow gets the belt. But right now I’m the champion and I’m ready,” ani Ugas.

vuukle comment

PACMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with