MANILA, Philippines — Humakot ng siyam na medalya ang Philippine Youth team at tumapos sa third overall sa katatapos na United World Wrestling (UWW) Junior and Cadets World Grappling Championships na idinaos sa Ufa Arena sa Ufa, Russia.
Nagpatumba si Gabriel del Rosario ng dalawa sa napanalunang tatlong silver medals ng bansa sa torneong nilahukan ng kabuuang 10 bansa.
Kinuha ni del Rosario ang silver sa Gi at NoGi events ng Cadets 46kgs habang may silver din si David Zaldarriaga sa Gi event ng Cadets 42kgs. bukod sa kanyang bronze sa NoGi event.
Dalawang tansong medalya naman ang idinagdag ni Alonso Lucas Aguilar, ang anak ni URCC founder at Philippine Wrestling Federation (PWF) president Alvin Aguilar, sa Gi at NoGi events ng Cadets 50kgs.
May dalawang bronze medals sina Joaquin Antonio Marte sa Cadets 58kgs at Fierre Afan sa Gi event ng Cadets 85kgs.