^

PSN Palaro

Olympic experience gagamitin ni Ando sa Vietnam SEA Games

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang kanyang nakaraang kampanya sa Olympic Games sa Tokyo, Japan ang sasandigan ni na­tional weightlifter Elreen Ann Ando sa pagsabak niya sa 31st Southeast Asian Games sa susunod na taon sa Vietnam.

Bagama’t nabigong makapasok sa podium finish ay nagposte naman ang 22-anyos na si Ando ng bagong personal record sa women’s 64-kilogram division.

Bumuhat ang tubong Carreta, Cebu City ng total lift na 222kg mula sa 100kg sa snatch at 122kg sa clean and jerk at tumapos sa pang-pito.

“Nag-focus lang talaga ako na mag-improve ako sa personal record ko at makapasok man lang sana sa top three,” wika ni Ando na nakapaglaro sa Tokyo Olympics sa pamamagitan ng Absolute Continental Ranking.

Isa si Ando sa mga inaasahang bubuhat ng gintong medalya para sa Team Philippines sa 2022 Vietnam SEA Games.

Noong 2019 Philippine SEA Games ay kumo­lekta si Ando ng isang silver medal habang nagbulsa naman siya ng tig-isang silver sa clean and jerk at total lift at isang bronze sa snatch noong Asian Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.

“Nakita ko si Ando, determinado siyang atleta at alam kong marami siyang natutunan noong Olympics,” sabi ni Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz.

ELREEN ANN ANDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with