MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) sa tsansa nina national weightlifters Hidilyn Diaz at Elreen Ann Ando sa Tokyo Olympic Games.
Ayon kay SWP president Monico Puentevella, ito ay dahil sa determinasyon at sakripisyo nina Diaz at Ando para makamit ang kauna-unahang Olympic gold medal ng Pilipinas.
“They have been preparing hard for this,” wika ni Puentevalla sa panayam ng GMA News Online. “And Elreen, although she qualified just last month, she’s still really working hard.”
Kakampanya si Diaz, ang 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist, sa women’s 55 kilograms division at sasalang si Ando sa women’s 64kg, class ng Tokyo Games.
Bubuksan ang kompetisyon sa women’s 55kg. sa Hulyo 26 kasunod ang women’s 64kg. kinabukasan sa Tokyo International Forum.
“Of course, we’re all hoping to have another medal, a gold medal. But we have to temper our expectations from these athletes,” sabi ni Puentevella sa tubong Zamboanga City na si Diaz at sa pambato ng Cebu City na si Ando.
Ito ang ikaapat na sunod na Olympics appearance ng 30-anyos na si Diaz matapos noong 2008 (Beijing, China), 2012 (London) at 2016 (Rio de Janeiro, Brazil).