Watanabe, Knott pasok sa Tokyo Olympics

Judoka Kiyomi Watanabe at Trackster Kristina Knott
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga atletang isasabak ng Pilipinas sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Ito ay matapos makakuha ng Olympic berth sina Fil-Japanese judoka Kiyomi Watanabe at Fil-American trackster Kristina Knott sa pamamagitan ng continental quota at universality slot, ayon sa pagkakasunod.

Ngunit sa araw ng kanyang kumpirmasyon sa 2021 Tokyo Olympics ay nagpositibo si Knott sa coronavirus disease (COVID-19) kahit pa fully-vaccinated na siya sa  Amerika.

“Kristina contracted COVID and she was tested positive yesterday hours before her second to the last competition,” ani Phi­lippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico.

Ang 25-anyos na si Knott ang nagtakbo sa gold medal ng women’s 200m run at sa 4x100m mixed relay ng 2019 Philippine SEA Games.

Sinira rin ng Fil-Am trackster ang 33-year Phi­lippine national record na 11.28 segundo ni Lydia De Vega sa women’s 100m dash para sa bago niyang 11.27 segundo.

“She is not yet in Japan. This is not the start of the Olympics. She has about a month to recover from this,” dagdag pa ni Juico kay Knott.

Umabot na sa 15 ang lahok ng bansa sa 2021 T­okyo Games  para palakasin ang tsansa sa inaasam na kauna-unahang Olympic gold medal.

Ang iba pang qualifiers ay sina golfer Juvic Pagunsan, shooter Jayson Valdez, weightlifters Hidilyn Diaz at Elreen Ando, pole vaulter Ernest John Obiena, skateboarder Margielyn Didal, gymnast Carlos Edriel Yulo, taekwondo jin Kurt Barbosa, rower Cris Nievarez at bo­xers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Nakamit ng 24-anyos na si Watanabe ang kanyang Olympics slot via continental quota sa women’s -63 kilogram division base sa final at official qualification list na inilabas ng International Judo Federation (IJF).

Mabibigyan din ang swimming ng dalawang universality slots para sa Tokyo Olympics sa katauhan nina Jaimie Deiparine at Remedy Rule.(

Show comments