MANILA, Philippines — Kumpiyansa si House Deputy Speaker Mikee Romero sa kakayahan ni national shooter Jayson Valdez na makaputok ng medalya sa darating na 2021 Olympic Games.
Sa kanyang pagiging dating pangulo ng national shooting association ay kinakitaan na ni Romero ng determinasyon si Valdez bilang miyembro ng national youth team.
“Since he’ll be playing for flag and country he has to give everything he’s got and should not be intimidated by his rivals,” wika ni Romero. “But I know this young man, he’s gutsy.”
Si Paul Brian Rosario ang huling shooter na naisabak ng bansa sa Olympics bilang wild card entry sa men’s skeet event noong 2021 edition sa London.
“Pinoy tayo, dapat nating ipakita sa buong mundo na we have one big fighting heart,” dagdag pa ng team owner ng NorthPort Batang Pier sa PBA.
Pasok si Valdez sa quota system ng men’s air rifle 10-meter event ng 2021 Tokyo Olympics matapos makapasa sa minimum qualifying scores (MQS) dahil sa mga sinalihan niyang World Cup at Asian qualifying tournaments.
Kabilang sa mga inaasahang makakaharap ni Valdez sa Tokyo Olympics, nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8, ay si three-time champion Niccolo Camprian ng Italy.
“Iyong physical conditioning, iyon ang nagiging sandalan ko ngayon kasi kahit na limitado iyong actual training, solid naman iyong mga nagiging performance ko,” sabi ng 25-anyos na si Valdez.