^

PSN Palaro

Gomez pasok sa World Pool Last 16

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang sunod na panalo ang naitala ni Roberto Gomez upang umabante sa Round-of-16 ng prestihiyosong World Pool Championship sa Marshall Arena, Milton Keynes.

Matikas ang simula ni Gomez nang itarak nito ang impresibong 11-2 demolisyon kay Muhammed Daydat ng South Africa sa Round-of-64.

Agad itong sinundan ng Pinoy cue master ng 11-7 desisyon laban naman kay Aloysius Yapp ng Singapore sa Round-of-32 para manatiling nakataas ang bandila ng Pilipinas sa torneo.

Makakasagupa ni Gomez sa Last 16 match si Skyler Woodward ng Amerika na nanaig kina Fedor Gorst ng Russia sa Round-of-64 (11-8) at Bahram Lofty ng Denmark sa Round-of-32 (11-4).

Sa pagpasok ni Gomez  sa Last 16, nakasisiguro na ito ng $4,000 premyo.

Si Gomez na lamang ang natirang Pinoy sa world meet matapos masibak si Jeffrey De Luna sa elimination round.

Natalo si De Luna kay Dimitri Jungo ng Switzerland (5-9) at Jasmin Ouschan ng Austria (5-9).

MILTON KEYNES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
12 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with