^

PSN Palaro

National team para sa Vietnam SEA Games pinayagan na ng IATF mag-bubble training

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
National team para sa Vietnam SEA Games pinayagan na ng IATF mag-bubble training
William ‘Butch’ Ramirez
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang bubble training ng mga miyembro ng Team Philippines na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Inilabas ng Joint Administrative Order (JAO) No. 2020-0001 on Sports ang supplemental guidelines para sa pag-eensayo ng mga national athletes na lalahok sa 2021 Vietnam SEA Games sa Nobyembre 21-Disyembre 2.

“We would like to thank the government through the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) for approving the JAO guidelines,” wika ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez na bahagi ng signatory agencies sa JAO kasama ang Games and Amusements Board (GAB) at Department of Health (DOH).

“This will boost the morale of our national team members as they prepare for the 2021 SEA Games,” dagdag pa ng PSC chief.

Nauna nang naturukan ng COVID-19 vaccine na Sinovac ang halos 730 miyembro ng Olympics at SEA Games-bound athletes, coaches at officials matapos isama ng IATF at DOH sa priority list sa vaccination.

Ang pagsasagawa ng bubble-type training ng mga National Sports Association (NSAs) para sa kanilang mga atleta ay dapat may endorsement ng Philippine Olympic Committee (POC) o Philippine Paralympic Committee (PPC) sa PSC.

Kailangan namang magpakita ng written parental consent ang mga national athletes at personnel na may edad 18-anyos pababa.

Ang mga bubble trainings ay dapat nakabase sa ipinatutupad na health at safety protocols katuwang ang PSC Medical Scientific Athletes Services (MSAS) Unit at JAO-designated Health and Safety Officers.

Puwede lamang gawin ang bubble training sa mga lugar na nasa ilalim ng moderate at low-risk community quarantine classifications bukod pa sa pagpayag ng Local Government Unit (LGU).

Noong Enero ay ipinasok ng PSC sa bubble training ang mga national teams ng boxing, taekwondo at karatedo na sasali sa 2021 Tokyo Olympics sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

JAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with