Animam nasa EWP na

Jack Animan
FIBA

MANILA, Philippines — Desidido si Jack Animam na makapasok sa Women’s National Basketball Association (WNBA) matapos sumama sa East West Private (EWP).

Ang EWP ang parehong agency na humahawak at nagsasanay kina Kai Sotto, Kobe Paras at Cholo Anonuevo sa Amerika.

Kaya naman pumirma na rin si Animam sa EWP na makakatulong nito upang maabot ang kanyang inaasam na WNBA dream.

Agad na sumalang sa ensayo si Animam kasama ang mga trainers at c­oaches ng EWP.

“Family uplifting Family. No one left behind. If you BELIEVE in yourself and have dedication and pride - and never quit, you’ll be a winner. The price of victory is high but so are the rewards,” ayon sa post ng EWP sa social media.

Sariwa pa si Animam sa matagumpay na kam­panya sa Taiwan kung saan tinulungan nito ang Shin Hsin University (SHU) na makuha ang kampeonato sa University Basketball Alliance.

Nagtala ang 6-foot-2 Gilas Women’s standout ng averages na 17.1 points, 14.1 rebounds, 2.6 steals at 1.9 blocks.

Bahagi rin si Animam ng Gilas Women’s na makasungkit ng gintong medalya sa 3x3 at 5x5 sa 2019 Southeast Asian Games na ginanap sa Manila.

Show comments