MANILA, Philippines — Idaraos sa Pilipinas ang 2021 edisyon ng Asian Senior Women’s Championship na gaganapin mula Agosto 29 hanggang Setyembre 5.
Ito ay matapos ibigay sa Pilipinas ang karapatang itaguyod ang naturang Asian meet na idaraos sa isang bubble setup sa Clark at Subic sa Pampanga.
Itinalagang main venue ang Angeles University Foundation Sports and Center habang pinag-aaralan pa kung alin sa Bren Z. Guiao Convention Center at Subic Bay Gym ang magiging second venue.
Titira ang lahat ng delegasyon sa Quest Hotel.
Ibinigay ng Asian Volleyball Confederation (AVC) ang go signal sa Pilipinas bilang host country kapalit ng China na nagdesisyon magpull-out dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Sasabak sa torneo ang China, Japan, Thailand, South Korea, Kazakhstan, Chinese-Taipei, Iran, Indonesia, Australia, India at Hong Kong.
Ngunit madaragdagan pa ito sa oras na makumpleto na ang qualifying sa iba’t ibang rehiyon sa Asya.
Bilang host, awtomatiko na ang slot ng Pilipinas sa Asian meet na magsisilbing qualifying tournament para sa 2022 FIVB Volleyball Women’s World Championship.