MANILA, Philippines — Masaya si Cignal HD Spikers outside hitter Rachel Anne Daquis sa pagbabalik nito sa Premier Volleyball League (PVL) na liga kung saan una itong nakilala ng husto.
Naging bahagi na si Daquis ng ilang mga unang edisyon ng Shakey’s V-League ang dating pangalan ng PVL.
Nagpasya ang pamunuan ng Cignal na lumipat sa PVL mula sa dating liga nitong Philippine Superliga.
Kaya naman hindi maitago ni Daquis ang excitement nito nang malamang lilipat ang HD Spikers sa PVL — ang kauna-unahang professional volleyball league sa bansa.
“As we all know, doon talaga ako nag-start sa Shakey’s V-League. I’m really excited about the upcoming season. Ang dami na namin naririnig like lilipat kami sa PVL, pero wala talagang confirmation na talagang doon na kami,” ani Daquis sa programang The Game.
Itinanghal na Most Valuable Player si Daquis sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference habang naging Finals MVP ito noong Season 8 Open Conference at Season 11 First Conference. Nagpasalamat ito sa PSL na dahil marami rin itong magagandang karanasan sa naturang liga.
Naging ambassador si Daquis ng PSL noong 2018 at itinanghal na 2015 PSL All-Filipino Conference Finals MVP.