MANILA, Philippines — Gumugulong pa rin ang trade talks para kay Alaska ace Vic Manuel.
Ito ang inihayag ni Aces head coach Jeff Cariaso kung saan nakikipag-usap na ang management sa ibang koponan para maiselyo ang trade.
“I can admit there are still a few teams we’re talking to and dealing with,” ani Cariaso sa programang Coaches Unfiltered na suportado ng Smart.
Nilinaw ni Cariaso na ipinaliwanag nito ang nilalaman ng alok ng management para sa renewal ng kontrata ni Manuel.
“I won’t go too much on the clause, but I was honest with him and explained it to him that this is what we need from you, this is what you are to us and I can share this: You are the June Mar of our team. You are the Standhardinger. You are the Stanley Pringle,” dagdag ni Cariaso.
Magugunitang hindi nagustuhan ni Manuel ang offer ng Alaska management kaya’t nagdesisyon na lamang itong magpa-trade sa ibang koponan.
Ngunit para kay Cariaso, hindi naman ganun kadali ang proseso.
Pinaplantsa na ng Alaska ang trade subalit nais din ng prangkisa na magkaroon ng magandang offer mula sa ibang teams na interesado para maikasa na agad ang negosasyon.
“We’re gonna do what’s best for us also. That was explained to him thoroughly in a way where he needs to understand it’s not just, ‘I wanna go Coach, send me somewhere.’ It can’t be that easy and I explained it that it’s not that easy,” ani Cariaso.