NSAs na may unliquidated cash advances puputulan ng pondo ng PSC
MANILA, Philippines — Sa inilabas na P305,117,477.56 financial assistance ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa mga National Sports Associations (NSAs) ay P256,968,475.84 pa ang hindi nali-liquidate.
Binalaan ni PSC Commissioner Ramon Fernandez ang nasabing 49 NSAs na puputulan ng tulong pinansyal kapag nabigong makapagsumite ng liquidation report sa kanila.
“Time and again we always remind them but siyempre, hindi rin nasusunod talaga lahat. I think it’s about time na we follow it to the letter,” wika ni Fernandez sa mga NSAs. “So starting this year na nga, January, we will force that 100 percent because kami naman ang naku-kuwestiyon ng COA or Commission on Audit.”
Ang nasabing unliquidated cash advances ay mula sa 49 sports associations.
“So talagang they really have to liquidate kasi ang atleta kasi ang tinatamaan or nadis-disadvantage,” sabi ni Fernandez.
Ayon sa PSC Commissioner, ididiretso na nila sa mga national athletes at coaches ang financial assistance para hindi mahinto ang kanilang training program.
“Hindi na namin idadaan sa mga NSAs para hindi matigil iyong training ng mga atleta, iyong programa para sa kanila,” dagdag pa nito.
Kasama rin sa report ng COA ang P2.7 bilyon na ibinigay ng PSC sa Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) at Philippine Olympic Committee (POC) para sa pgdaraos ng 30th Southeast Asian Games noong Disyembre ng 2019.
- Latest