^

PSN Palaro

PSC go signal na lang ng IATF ang hinihintay

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Para sa pagbabalik-ensayo ng mga atleta

MANILA, Philippines — Matagal-tagal nang hinihintay ng Philippine Sports Commission (PSC) ang ‘go signal’ mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagbabalik-ensayo ng mga national athletes.

Bukod dito ay ang planong ‘bubble’ training ng PSC sa Inpsire Sports Academy sa Calamba, Laguna para sa mga atletang naghahangad ng tiket sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

“We are in coordination with Inspire that the athletes would be training there,” sabi ni Fernandez kahapon. “It should start very soon. They are wor­king on b­ringing in the bo­xers back.”

Maliban sa mga boxers, papasok din sa ‘bubble’ training sa Inspire Sports Academy ang mga taek­wondo jins at karatekas.

Tanging sina pole vaul­ter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno ang may Olympic berth.

Nang magkaroon ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic noong Marso ay pinauwi ng PSC ang mga national athletes sa kani-kanilang mga pro­binsya.

Hanggang sa kasalu­kuyan ay wala pang ‘green light’ ang IATF para sa pagbabalik-ensayo ng mga atleta sa mga training venues sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila at Philsports Complex sa Pasig City.

PCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with