Magramo bigo sa world title fight

Giemel Magramo
STAR/ File

MANILA, Philippines — Bigo si Giemel Magramo na makuha ang World Bo­xing Organization (WBO) flyweight belt matapos lumasap ng eight-round knockout loss kay Japanese fighter Junto Nakatani sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Maagang naglunsad ng atake ang Japanese boxer gamit ang magandang estratehiya para gimbalin agad si Magramo.

Naging bentahe rin ni Nakatani ang tangkad nito na mas mataas ng 3.5 inches kumpara kay Mag­ramo.

Nagawang makatagal ni Magramo sa loob ng pitong rounds.

Subalit hindi na ito nakaporma nang magpakawala si Nakatani ng left hook at solidong right sa eighth round.

Itinigil na ng referee ang laban upang hindi na maagrabyado pa ang Pinoy pug at tuluyang ibigay kay Nakatani ang panalo.

Nahulog sa 24-2 rekord si Magramo habang na-panatili ni Nakatani ang malinis na rekord na 21-0 tampok ang 16 knockouts.

Si Magramo ang ika­anim na Pinoy boxer na napatumba ni Nakatani.

Show comments