Inoue may patutunayan kay Casimero

John Riel Casimero
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ilalabas ni Naoya Inoue ang buong lakas nito upang makuha ang knockout win laban kay Jason Moloney sa kanilang pagtutuos nga­yong araw sa MGM Grand Confe­rence Center sa Las Vegas, Nevada.

Dedepensahan ni I­noue ang kanyang World Boxing Association (WBA) at International Boxing Fe­deration (IBF) bantamweight titles kung saan puntirya nitong maitala ang impresibong panalo.

May nais patunayan si Inoue kay reigning World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero na kamakailan lamang ay minaliit ang kanyang kakayahan matapos tawaging Japanese turtle.

Kaya naman inaasahang mag-iinit ng husto si Inoue sa labang ito upang ipamukha sa buong mundo na hindi siya turtle kundi isang nag-aalab na “m­onster.”

Sa kabila ng mahabang bakasyon, lumabas sa weigh-in si Inoue na porma­dong pormado ang katawan.

Pasok ito sa timbang tangan ang 117.7 pounds habang may 117.9 pounds naman si Moloney.

Marami ang nakaabang kay Inoue matapos maudlot ang laban nito kay Casimero noong Abril 25 dahil sa pagputok ng coronavirus disease (COVID-19).

“There are a lot of expectations, and I want to meet those expectations. I take those big expectations, and I use them as motivation and power to keep getting better with every fight,” ani Inoue.

Show comments