^

PSN Palaro

Orcollo No. 1 pa rin sa Moneymaker list

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Orcollo No. 1 pa rin sa Moneymaker list
Dennis Orcollo
STAR/ File

MANILA, Philippines  — Nananatili sa unang puwesto si dating world champion Dennis Orcollo sa  AzBilliards Moneyma­ker List.

Sa kabila ng pan­demya, tuloy lang si Orcollo sa paghataw sa iba’t ibang tournaments sa Amerika para makalikom na ng kabuuang $68,950  premyo sa taong ito.

Nakakuha ng tuma­taginting na $20,000 p­remyo si Orcollo nang magkampeon ito sa Bar Table 10-Ball Tournament na ginanap sa Shade Tree Lounge sa Tupelo, USA.

Galing din si Orcollo sa kampeonato sa 2020 sa Cue Time Shootout 9-Ball Open Men’s Division sa Cue Time Sports Bar and Grill sa Spartanburg.

Tinalo ng Pinoy cue master si Tony Chohan sa $3,400 p­remyo.

Nakakuha pa si Orcollo ng karagdagang $3,600 cash prize sa kanyang runner-up fi­nish sa Aramith Simonis Pro Classic One Pocket at $2,300  premyo sa isa pang runner-up sa A­ramith Simonis Pro Classic 10-Ball.

Apat pang Pinoy pla­yers ang nasa Top 10 ng world rankings.

Nasa ikaapat na puwesto si Lee Vann Corteza na may $26,000 kasunod sa ikalima si Zoren James Aranas na nakalikom naman ng $24,790.

Ikapito naman si Francisco “Django” Bustamante na may $19,640 habang ikawalo si Filipino-Ca­nadian Alex Pagulayan na may $17,100.

Ilang malalaking torneo ang nakansela sa taong ito kabilang na ang prestihiyosong US Open Championship at World Championships dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Tuloy naman ang ilang billiards tournament sa Amerika kaya’t minabuti na lamang ni Orcollo na manatili muna doon para sumalang sa ilang torneo.

ORCOLLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with