UST trio may warm welcome sa Letran

Brent Paraiso
UAAP

MANILA, Philippines — Binigyan ng mainit na pagtanggap sina Rhenz Abando, Brent Paraiso at Ira Bataller sa Colegio de San Juan de Letran ang bagong tahanan ng tatlo.

Kabilang sina Abando, Paraiso at Bataller sa mga University of Santo Tomas (UST) players na nag-alsabalutan matapos masangkot ang Growling Tigers sa “training bubble” issue sa Sorsogon.

Bukas-palad namang sinalubong ng Letran ang tatlong manlalaro na lalo pang magpapalakas sa Intramuros-based squad sa NCAA.

Mismong sina Letran head coach Bonnie Tan at Letran special assistant to the rector for sports deve­lopment Alfrancis Chua ang nag-welcome kina Abando, Paraiso at Bataller.

Sa pagpasok nina Abando, Paraiso at Bataller, mas lalong naging ma­ningning ang kinabukasan ng Letran na inaasahag muling bubuo ng dinastiya sa NCAA.

Hindi pa makalalaro ang tatlo sa NCAA Season 96 sa oras na ipagtanggol ng Knights ang kam­peonato nito dahil sasailalim pa ang mga dating UST players sa residency.

Malaki ang tiwala ni Tan kina Abando, Paraiso at Bataller na may malalim na ring karanasan dahil bahagi ang mga ito ng Growling Tigers na nakapasok sa finals ng UAAP.

Show comments