MANILA, Philippines — Hindi lamang sesentro sa sports ang Republic Act 11470 o ang National Academy of Sports Act kundi pati sa kinabukasan ng mga student-athletes.
Sinabi kahapon ni Philippine Sports Commissioner Charles Raymond Maxey na mahuhubog sa NAS ang kapalaran ng mga qualified student-athletes.
“This is actually beyond sports as we are building the future of our student-athletes,” wika ni Maxey. “We are talking here life in general.”
Kamakalawa ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang NAS Act kung saan si Senator Bong Go, ang chairman ng Senate Committee on Sports, ang principal author.
“It is about time that we establish a learning institution focused on sports,” wika ni Go.
Itatayo ang NAS sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac at magsisilbi sa mga qualified high school student-athletes na gustong mangibabaw sa sports kasabay ng pagkakaroon ng magandang edukasyon.
Magkakaroon ang NAS, magbibigay ng full scholarship sa mga qualified student-athletes, ng sports facilities, housing at iba pang amenities na angkop sa kasalukuang international standards.
“Our student-athletes will enjoy the benefit of having to undergo training in a modern sports facility and at the same time getting the education they need,” wika pa ni Go.
Ang NAS ay ikakabit sa Departnent of Education kung saan ang education secretary ang magiging chairman ng NAS Board of Trustees. Ang executive secretary na papangalanan ng DepEd chief ang tatayong pinuno ng NAS.