Sa kabila ng pagkansela sa asean para games
MANILA, Philippines — Buong buhay nakikipaglaban sina swimmer Ernie Gawilan at chesser Sander Severino, ang dalawang bituin ng Philippine Para team, sa kanilang mga sariling giyera na napagwawagian nila.
At nang kanselahin ang 10th ASEAN Para Games dahil sa coronavirus disease pandemic ay hindi kaagad sumuko ang dalawa.
Nakatutok ang 29-anyos na si Gawilan, isinilang na walang binti, sa 2021 Para Games na pamamahalaan ng Vietnam.
Hindi naman kaagad susuko ang 34-anyos na si Severino, may muscle dystrophy sa murang edad na nagpaupo sa kanya sa wheelchair, at laging positibo ang pananaw sa buhay.
Nagpatuloy sa training ang dalawa sa kanilang mga tahanan dahil sa umiiral na enhanced community quarantine.
Mas abala naman si Severino na nagwagi sa mga nilahukang online chess tournaments at nakatakdang kumatawan sa bansa sa First Online FIDE Cup para sa mga players na may kapansanan.
Sasalang din ang tubong Silay, Negros Occidental sa 2021 First World Chess Olympiad para sa mga differently able woodpushers sa Russia.