NAS handa nang gamitin bilang temporary hospital

MANILA, Philippines — Sisimulan ngayon ng Philippine Sports Commission ang pagpapagamit sa kanilang sports facility bilang temporary hospitals para sa mga pasyente ng coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi kahapon ni Marc Velasco, ang chief of staff ni PSC chairman William “Butch” Ramirez, na handa ang Ninoy Aquino Stadium sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila para maging quarantine  area.

Ipapagamit din ng sports commission ang Rizal Memorial Coliseum sa RMSC habang ang Philsports Arena sa Pasig City ay ginagawa na ring temporary hospital.

“The Rizal Memorial Coliseum will open soon while Philsports’ conversion is ongoing,” wika ni Velasco.

Kagaya ng Ninoy Aquino Stadium, ang Rizal Me-­ morial Coliseum at Philsports Arena ay pawang mga air-conditioned na ginamit noong 2019 Southeast Asian Games.

Tiniyak naman ni Velasco ang kaligtasan ng ske­letal PSC employees pati na ang ilang national athletes na naipit ng enhanced community quarantine.

Dalawang linggo na ang nakakalipas ay inalok ni Ramirez ang kanilang mga sports venues para gamitin sa paglaban ng pamahalaan sa COVID-19.

Show comments