^

PSN Palaro

No Choice

PRESSROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Walang kumontra sa desisyon ng International Olympic Committee na ipagpaliban ang 2020 Tokyo Olympics.

Si Japanese Prime Minister Shinzo Abe mismo ang kasamang naghain ng hatol.

It’s the right call.

Na-pressure na rin ang IOC na nung una ay gusto pang patagalin ang desisyon. Hindi na safe para sa lahat.

Sa July 24-Aug. 9 nakatakda ang Olympics at sa lagay ng panahon, sa rumaragasang COVID-19 virus, wala talagang patutunguhan.

Dismayado ang mga atleta, kabilang na ang atin, pero wala rin silang magawa.

Mukhang malayo pa tayo sa katapusan ng daigdigang pandemic. Parami nang parami ang tinatamaan at namamatay.

Talo na kung talo. Halos $28 billion ang inilatag para sa Tokyo Olympics. At bagama’t hindi naman ito lahat nasayang ay malaki ang mawawala.

Refund lahat ang tickets at cancelled lahat ng boo­kings. Maraming kontrata ang napaso.

Sa 2021 na gaganapin ang Tokyo Olympics. Pero wala pa rin itong kasiguraduhan.

‘Yan ay kung mag-normalize na ang sitwasyon sa mga susunod na buwan o sa katapusan ng taon.

Kung.

2020 TOKYO OLYMPICS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with