Pagkansela ng Tour of Thailand nakaganda sa Pinoy riders

MANILA, Philippines — Pumabor sa mga Pinoy cyclists ang pagkansela ng Tour of Thailand na ilalarga sana sa April 1-10 dahil hahaba ang kanilang preparasyon tulad ng pagpapakundisyon ng katawan.

Pepedal ang dalawang continental teams na 7Ele­ven Road Bike Philippines at Go for Gold sa nasabing International Cycling Union (UCI) 2.1 event na ilalarga na sa August 1 -10.

Halos dalawang Linggo na ang nakalipas, sumalang ang 7Eleven at Go for Gold sa 10th LBC Ronda Pilipinas 2020 na pinagwagian ng Standard Insurance-Navy ang overall team classification.

Nakopo naman ni Navy rider George Oconer ang titulo sa individual.

Subalit hindi pa masyadong makakapag-ensayo ang 7Eleven at Go for Gold, kailangan muna nilang tapusin ang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang buwan na enhance community lockdown sa Luzon.

Naging sanhi ng pagkaka-postponed ng nasabing event ay ang COVID-19 na kumakalat sa buong mundo.

Samantala, inanunsyo ng UCI na i-suspinde ang lahat ng rankings tournament.

“By freezing the points during the period indicated, the UCI is preserving sporting equity for the athletes,” statement ng UCI.

Show comments