^

PSN Palaro

Lim, Patrombon mapapalaban sa Tsitsipas brothers

Pilipino Star Ngayon
Lim, Patrombon mapapalaban sa Tsitsipas brothers
AJ Lim
STAR/File

MANILA, Philippines — Agad mapapalaban si AJ Lim sa world No. 6 na si Stefano Tsitsipas sa unang singles match sa alas-10 ng umaga ngayong araw sa pagtatagpo ng Pilipinas at Greece sa World Group II Davis Cup Tie sa Philippine Columbian Association Plaza Dilao Clay Courts sa Paco, Manila

Pagkatapos ng  laban nina Lim at Tsitsipas, susubukan naman ni Jeson Patrombon ang nakababatang kapatid ni Stefano na si Petros sa ikalawang singles match.

Paborito si Stefano laban sa Filipino tennis player na si Lim bunga ng kanyang runner-up finish sa Dubai International Open noong nakaraang linggo.

Ngunit sinabi ni Lim na hindi naman siya kabado dahil dati na niyang nilampaso ang 21-anyos na si Stefano nang sila ay nasa juniors division pa lamang.

“It was in the past and very long time ago. I will just give it my best when we play tomorrow (today),” pahayag ni Lim.

 Pagkatapos ng dalawang singles matches, makikipagtagisan naman ng husay sina Francis Casey Alcantara at Ruben Gonzales kontra nina Petros Tsitsipas at Markos Kalovelonis sa doubles match bukas.

AJ LIM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with