Pacquiao-McGregor sa 2021?
MANILA, Philippines — Mas lalong lumakas ang tsansang matuloy ang bakbakan nina eigth-division world champion Manny Pacquiao at Ultimate Fighting Championship (UFC) superstar Conor McGregor sa susunod na taon.
Mismong si Arnold Vegafria, ang business manager ni Pacquiao sa Pilipinas, ang nagsabi na abot-kamay na ang naturang laban na inaasahang matutuloy sa 2021.
Nilinaw ni Vegafria na hindi magiging problema ang pagpirma ng Pinoy champion sa Paradigm Sports Management (PSM) dahil ito pa nga ang magiging daan para matuloy ang laban.
Mas magiging madali aniya na maikasa ang Pacquiao-McGregor fight dahil nasa iisang management team na ang dalawang mahusay na fighters.
“With a possible fight with (Conor) McGregor because they have the same company so definitely there’s a big chance that they will fight. Next year na yan,” ani Vegafria.
Magandang option aniya ang Pacquiao-McGregor bout sakaling hindi matuloy ang rematch nina Pacquiao at undefeated American pug Floyd Mayweather Jr.
Naniniwala si Vegafria na kayang tumabo ng limpak-limpak ang Pacquiao-McGregor gaya ng mga sinasabi ng mga boxing experts sa Amerika.
Parehong popular sina Pacquiao at McGregor sa kani-kanilang mundo kaya’t hahatak ito ng fans mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
- Latest